Sen. Robin Padilla hindi bilib sa binabalak na dagdag-buwis sa mga mayayaman
Hindi kumbinsido si Senator Robinhood Padilla na magandang hakbang ang binabalak na pagdadagdag o paniningil ng bagong buwis sa mga mayayaman sa bansa.
Aniya sa halip na makabuti ay baka makasama pa ang naturang balakin.
“Sa ngayon maituturing itong malaking kabaliwan dahil ang magdadagdag ng tax sa gitna ng patong-patong na crisis na ito ay adding insult to injury,” dagdag pa ng baguhang senador.
Kailangan aniya na maging malinaw kung paano sisingil ng mas malaking buwis ang mga mayayaman sa katuwiran nito na maaring magresulta lamang ito sa mga hakbang na ang tatamaan ay ang mga maliliit na empleado.
Dagdag pa ni Padilla, may mga abogado ang mga mayayaman na mahusay sa mga usaping-pinansiyal at ang mga ito ang nagbibigay proteksyon sa kita ng kanilang mga kliyente.
Unang ipinalutang ni Sen. Sherwin Gatchalian ang naiisip niyang singilin ng karagdagang buwis ang mga mayayaman sa bansa para may dagdag kita ang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.