2.5k admin cops sa Metro Manila nagsimula na sa patrol duty
Sinimulan nang ipakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang higit 2,500 pulis na may mga trabahong administratibo para makadagdag sa presensiya sa mga lansangan.
Sinabi ni NCRPO chief, Maj. Gen. Felipe Natividad na alinsunod ito sa utos ni Interior Sec. Benhur Abalos na dagdagan ang presensiya ng mga pulis lalo na tuwing rush hours sa mga matataong lugar at crime prone areas.
Kabilang sa mga binigyan ng patrol duties ang 886 tauhan sa NCRPO headquarters, 237 tauhan ng regional mobile force battalion at 1,455 admin personnel mula sa limang police districts sa Kalakhang Maynila.
Naniniwlaa si Natividad na sa hakbang na ito ay mapapalakas din ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa komunidad.
Aniya kontribusyon nila ito sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr., para sa mapayapa at maunlad na bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.