Key officials ng Duterte-admin suportado ang Vape Bill

Nagpahayag ng suporta ang ilan sa mga mahahalagang opisyal ng nagdaang-administrasyon sa isinusulong na Vape Bill.

Sinabi ni dating Interior Sec. Eduardo Año na sinuportahan ng kanyang tanggapan ang panukala dahil magkakaroon ng regulasyon sa importasyon, distribusyon, paggawa, hanggang sa packaging, pagbebenta at paggamit ng tinatawag na vaporized nicotine and non-nicotine products (VNNPs)

Dagdag pa nito palalakasin ng panukala ang RA 11467 at RA 11346 dahil walang mga multa sa dalawang batas.

Samantala, sinuportahan din ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of National Defense (DND) nang humingi sa kanila ng komento at rekomendasyon ang Malakanyang.

Ayon kay dating Trade Sec. Ramon Lopez, mabuting alternatibo ang at makakatulong ang vape products sa mga nais nang tumigil sa paninigarilyo at bukod pa dito aniya, makakatulong ang panukala sa may 2.18 milyong tobacco farmers sa bansa.

Si dating Defense Sec. Delfin Lorenzana sinuportahan ang panukala sa paniniwalang mapipigilan nito ang ilegal na bentahan ng VNNPs at kasigurahan din ito na hindi mapapagbentahan ng mga naturang produkto ang mga menor-de-edad.

Sinabi naman ni dating Labor Sec. Silvestre Bello III dahil sa panukala maraming trabaho ang malilikha.

“This will certainly lead to job generation, opening of new businesses and provide more employment for the labor sector,” ani Bello.

Umapila na rin ang PhilTobacco Growers Asso. Inc., kay Pangulong Marcos Jr., na aprubahan na ang Vape Bill para matiyak ang kanilang kabuhayan.

Read more...