WATCH: Executive Secretary Vic Rodriguez, itinanggi ang ulat na nagbitiw siya sa pwesto
Mariing pinabulaanan ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang ulat na nagbitiw na siya sa puwesto.
Sa panayam ng Malacañang Press Corps, sinabi ni Rodriguez na nasa opisina pa naman siya sa Malacañang.
“I am still here in my office, thats why I said tinitingnan ko iyong mga hitsura ninyo kanina kung meron kayong parang nakakita kayo ng multo but I am just here I hardly go out of my office,” pahayag ni Rodriguez.
Palaisipan kay Rodriguez kung saan nanggaling ang chismis.
“I don’t know how the rumor started but all of us in the Cabinet, regardless of the portfolio that we are holding or handling, I think it must be clear that the moment he or she accepts the nomination and the request coming from the President by the President to help him serve and run the country, I think automatic iyon,” pahayag ni Rodriguez.
Batid ni Rodriguez na lahat ng Gabinete ay nagsisilbi sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“The moment you said yes, automatic na rin, tinaggap mo na rin anytime you will be asked to leave. but until that happens then you stay, di ba. Hindi naman one way yung pagtanggap mo, pag tinaggap mo that’s it, pag tinanggap mo implied yung written sa agreement na yan na anytime you may be also asked to leave. So malinaw dito sa present administration that all those serving under President Marcos that the moment the President asked youto serve under his leadership it goes without saying that there’s no permanence,” pahayag ni Rodriguez.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Rodriguez:
WATCH: Executive Secretary Vic Rodriguez, itinanggi ang ulat na nagbitiw siya sa pwesto.
“I don’t know how the rumor started,” saad nito. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/EWxu9vMBep
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 22, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.