Higit 1,100 tauhan ng MMDA, ide-deploy para sa SONA
Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Isasagawa ang unang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 25.
Tututukan ng MMDA ang vehicular at pedestrian traffic, emergency response, clearing operations at aasiste sa pagdagsa ng publiko.
Sinabi ng ahensya na 1,133 personnel ang ide-deploy na kinabibilangan ng traffic enforcers, Road Emergency Group personnel, Motorcycle Patrol Units, at Sidewalk Clearing Operations Group.
Maliban dito, magde-deploy din ng mga ambulansya, tow truck, fire truck, mobile patrol unit at motorcycle unit.
Inaabisuhan naman ang mga motorista na umiwas muna sa mga kalsadang nasa paligid ng Batasan.
Narito ang traffic rerouting plan upang maplano ang magiging ruta sa nasabing petsa: https://tinyurl.com/yckpyuyx
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.