Rice Tariffication Law, NFA sinusuri na ng DA

By Jan Escosio July 22, 2022 - 10:24 AM

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagrebisa sa Rice Tariffication Law (RTL) at ang mandato ng National Food Authority (NFA).

Ito ang ibinahagi ni Usec. Kristine Evangelista kasabay ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno para makatugon sa nagbabadyang krisis sa pagkain.

Binanggit ni Evangelista na sa ilalim ng RTL, hindi maaring mag-angkat ang NFA.

Umiral ang naturang batas noong 2019 at layon nitong mapababa ang halaga ng bigas at mapabilis ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura.

Nakasaad din sa batas na ang tanging bibilhin ng NFA ay ang produksyon ng mga lokal na magsasaka at tiyakin na may sapat na bigas sa bansa na aabot ng hanggang 30 araw.

Sa ngayon, ang DA ay pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

TAGS: DA, foodsecurity, InquirerNews, National Food Authority, nfa, RadyoInquirerNews, rice tariffication law, RTL, DA, foodsecurity, InquirerNews, National Food Authority, nfa, RadyoInquirerNews, rice tariffication law, RTL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.