Duterte, naging ‘busy’ kahapon kaya wala sa proklamasyon-Bong Go

 

Inquirer file photo

Tinotoo ni President-elect Rodrigo Duterte ang nauna nitong pahayag na hindi dadalo sa kanyang sariling proklamasyon kahapon.

Ayon kay Bong Go, executive assistant ni Duterte, naging abala ang President-elect sa pagtatrabaho bilang alkalde ng Davao city kaya’t hindi ito nakadalo sa kanyang proklamasyon sa Kongreso.

Paliwanag ni Go, maraming kinailangang tapusin si Duterte bilang alkalde ng lungsod at marami ring mga dokumentong kinailangang pirmahan.

Matatandaang una nang inihayag ni Duterte na hindi siya dadalo sa proklamasyon niya bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Kahit kailan aniya ay hindi siya dumalo sa alinmang proklamasyon sa tuwing siya ay nananalo sa eleksyon.

Sa halip na personal na dumalo, tanging ang kanyang mga abugado lamang ang sumipot kahapon sa Kongreso.

Read more...