Allowance ng gov’t workers, inihirit ni Sen. Chiz Escudero na madoble
Naghain ng panukala si Senator Francis Escudero para maging P4,000 ang natatanggap na P2,000 na Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng may 1.8 milyong kawani ng gobyerno.
Paliwanag ni Escudero, nararapat lamang na makaagapay ang mga kawani ng gobyerno sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin dahil sa pandemya at oil price hikes.
Sa Senate Bill No. 60, nais din ni Escudero na magkaroon ng awtomatikong pagtaas na katumbas ng pagtaas sa taunang inflation rate.
“Higher gasoline prices, higher transportation fares and higher prices of basic commodities since PERA’s inception have proven that PERA augments the earnings of a government worker not just as an emergency allowance, but as a major source of additional funding to be able to afford basic commodities,” sabi ng senador.
Sakop aniya ng kanyang panukala ang lahat ng nagta-trabaho sa gobyerno, maging ang mga naihalal o naitalaga, gayundin ang mga contractual o casual.
Kasama rin dito ang mga sundalo at iba pang uniformed personnel, maliban ang mga nakatalaga sa ibang bansa dahil binibigyan sila ng overseas allowances.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.