Mga baril, pampasabog ng NPA naamoy ng aso sa Agusan del Norte

By Jan Escosio July 22, 2022 - 09:14 AM

Army 29th IB photo

Sa tulong ng isang aso, nadiskubre ng mga sundalo ang ilang baril at pampasabog na ibinaon sa lupa ng mga rebelde sa Jabonga, Agusan del Norte.

Ayon kay Col. Jason Saldua, commanding officer ng Army 29th Infantry ‘Matatag’ Battalion, isang sibilyan ang nagsumbong ukol sa presensiya ng mga rebelde, na matagal na ring nangongotong sa mga residente ng Barangay Bangonay.

Kasunod nito ang pagsasagawa nila ng combat operations at nadiskubre nila ang pinagtataguan ng mga rebelde, na agad nagsitakas.

Sa clearing operations at sa tulong ng K9 Unit, nadiskubre ang ilang matataas na kalibre ng baril at isang improvised explosive device (IED).

Pinasalamatan ni Saldua ang mga residente sa kanilang suporta at kasabay nito ang panawagan sa mga rebelde na sumuko na.

TAGS: AgusandelNorte, InquirerNews, NPA, PhilippineArmy, RadyoInquirerNews, AgusandelNorte, InquirerNews, NPA, PhilippineArmy, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.