Ph-China talks sa WPS gas development, dapat ituloy – Sen. Robin Padilla

By Jan Escosio July 22, 2022 - 09:08 AM

Sinabi ni Senator Robin Padilla na dapat nang ituloy ang pag-uusap ng Pilipinas at China para sa paghahanap ng langis sa West Philippine Sea.

Naniniwala ang baguhang senador na ito ang isa sa maaring solusyon sa pagsirit ng presyo ng langis sa sa pandaigdigang pamilihan.

Binanggit ni Padilla sa inihain niyang Senate Resolution No. 9 ang memorandum of understanding on Cooperation on Oil and Gas Development sa pagitan ng dalawang bansa noong Nobyembre 2018.

Nakasaad sa resolusyon ang paghimok ni Padilla kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipagpatuloy ang pag-uusap alinsunod sa nabanggit na kasunduan.

Diin pa ng senador, sa kasunduan, hindi naman isinusuko ng Pilipinas ang karapatan sa bahagi ng West Philippine Sea.

“The new administration has the opportunity to resume the bilateral talks with the People’s Republic of China for purposes of cooperation in the WPS on gas and oil development without bargaining the sovereign rights of the Philippines on the disputed territories therein,” ang pagpupunto ni Padilla.

TAGS: China, InquirerNews, oil, Pilipinas, RadyoInquirerNews, RobinPadilla, WestPhilippineSea, WPS gas development, China, InquirerNews, oil, Pilipinas, RadyoInquirerNews, RobinPadilla, WestPhilippineSea, WPS gas development

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.