LGUs hiniritan ng DILG na magbigay ng lupa para sa kulungan

By Jan Escosio July 22, 2022 - 09:05 AM

Screengrab from PNP’s FB live stream

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng lupa para mapagtayuan ng pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni Sec. Benjamin “Benhur” Abalos na ito ay para masolusyonan ang sobrang pagsisiksikan sa mga kulungan sa buong bansa.

Ayon pa kay Abalos, naglaan ang BJMP ng P6.7 bilyon para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga kulungan na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

“We will be asking, requesting the LGUs to possibly donate their lots kasi para mapatayuan namin but I am also tinkering with the idea, ewan ko kung pupuwede ito. Baka yung iba ayaw magdonate, why not probably a long term use of meaning the LGU will retain ownership of the property but would lend this to the BJMP on a long term,” sabi pa ng kalihim.

Binanggit nito na sa ngayon, halos 400 porsiyento ang sobrang bilang ng mga nakakulong sa kapasidad ng kulungan.

Ito naman aniya ay bumaba na mula sa 612 porsiyento noong 2017.

TAGS: BenhurAbalos, BJMP, DILG, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BenhurAbalos, BJMP, DILG, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.