Palasyo sa mga umano’y ‘Oplan dagdag-lipat’ whistleblowers-“Magpakita kayo ng ebidensya”
Hinamon ng Malacañang ang mga nagpapakilalang whistle blower sa umanoy dayaan sa nakaraang eleksyon na patunayan ang kanilang mga alegasyon.
Kasunod ito ng pagsulpot sa senado ng mga nagpapakilalang inutusan umano ng administrasyon na magsagawa ng ‘dagdag lipat’ ng boto pabor sa mga kandidato ng Liberal Party.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, ang dapat na gawin ng mga nagpapakalat ng nasabing alegasyon ay magpakita ito ng ebidensya sa tamang forum.
Una nang sinabi ni Vice President-elect Leni Robredo na imposible ang mga bintang ng mga whistle blower at hindi ito sapat na basehan para sa isang malakas na electoral protest para kay Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.