Apat na volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan
Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan.
Base ito sa inilabas na update ng Phivolcs bandang 8:00, Biyernes ng umaga (Hulyo 22).
Nakapagtala rin ng 437 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hunyo 19.
Mayroong moderate emission ng plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 400 metro. Napadpad ito sa direksyong Timog Timog-Kanluran.
Ayon sa Phivolcs, may pamamaga sa naturang bulkan.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.
Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa Timog-Silangan.
Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng naturang bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na maari pa ring magkaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.