Muling binuksan sa publiko ang Bayanihan e-Konsulta.
Ayon kay dating Vice President Leni Robredo, binuksan muli ang naturang programa kasunod ng pagdami ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bilang paghahanda, kakangailangan nito ang programa ng 50 non-medical volunteers at 40 medical volunteers para sa operasyon.
Sinabi ni Robredo na maari pa itong madagdagan depende sa bilang ng matatanggap na request sa mga susunod na araw.
Nagbigay ng link si Robredo kung saan maaring mag-sign-up ang mga nais maging non-medical volunteer:
https://bit.ly/ABekonsulta
At para naman sa nais maging medical volunteer:
https://bit.ly/ABekonsultadocs
Paalala nito, ipatutupad pa rin ang remote setup o work-from-home sa volunteers.
Kailangang siguraduhin na mayrooong sariling computer/laptop, smartphone, at internet connection para sa e-konsulta.