Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 21, 2022, umakyat na sa 3,741,987 ang kabuuang bilang ng napapaulat na kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,207 o 0.6 porsyento ang aktibo pang kaso o patuloy na nagpapagaling.
Samantala, 3,659,139 o 97.8 porsyento ang bilang ng mga indibiduwal na gumaling na sa COVID-19.
Nasa 60,641 o 1.6 porsyento naman ang COVID-19 related deaths.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit, pinayuhan ang publiko na magpabakuna at tumanggap ng booster shot upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES