May namataang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 60 kilometers Timog ng Tayabas, Quezon.
Maliit aniya ang tsansa na maging bagyo ang naturang LPA.
Sa halip, ani Torres, maaring malusaw ang LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Ngunit bunsod nito, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing parte ng bansa, maliban sa thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES