Mag-asawa, timbog matapos makuhanan ng P1.1-M halaga ng droga

By Angellic Jordan July 21, 2022 - 06:28 PM

Naaresto ang mag-asawa sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Kabankalan City, Negros Occidental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ikinasa ng Special Operation Unit 6 (SOU 6), PNP Drug Enforcement Group (DEG), Kabankalan City Police Station (CPS), and Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), at NORPO ang operasyon sa bahagi ng Barangay Camugao dakong 3:31 ng hapon.

Nahuli ang mga suspek na sina Jomy Dela Cruz Consular alyas “Toto”, 42-anyos, at Leosella Cuenca Consular alyas “Shela”, 27-anyos, habang nagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha sa mag-asawa ang humigit-kumulang 170 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000, isang unit ng Kawasaki Bajaj tricycle, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Dinala ang mga suspek at narekober na ebidensya sa provincial drug unit office.

Inihahanda na rin ang mga dokumento para sa isasampang kaso laban sa mag-asawa.

TAGS: InquirerNews, Jomy Dela Cruz Consular, Leosella Cuenca Consular, PNP, RadyoInquirerNews, shabu, InquirerNews, Jomy Dela Cruz Consular, Leosella Cuenca Consular, PNP, RadyoInquirerNews, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.