Dagdag presyo sa produktong petrolyo, epektibo na ngayon

By Jay Dones May 31, 2016 - 04:25 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMuling nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga oil companies ngayong umaga, araw ng Martes.

Sa abiso ng Shell, Petron, Total, Seaoil at Flying V, tataas ang presyo ng gasolina ngayong umaga ng P0.35 sentimos kada litro samantalang nasa P0.55 sentimos naman sa kerosene.

Ang Petron, Flying V at Total ay magtataas sin ng P0.40 kada litro sa presyo ng diesel.

Samantala, P0.35 sentimos din ang pagtaas sa presyo ng gasolina sa mga kumpanyang Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum at PTT Philippines.

P0.40 sentimos naman ang increase sa presyo ng kanilang diesel simula ngayong araw.

Ang mga wildfire sa Canada at ang political crisis sa Venezuela ang ilan sa mga dahilan ng panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.