MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang kalsada sa QC para sa SONA

By Angellic Jordan July 21, 2022 - 04:55 PM

Nagkasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng malawakang clearing operations sa mga lansangan ng Quezon City.

Ito ay para sa idaraos na unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa MMDA, layon nitong matiyak na maayos ang daloy ng trapiko.

Inaslis ng ahensya ang mga nakahambalang sa lansangan, tulad ng mga ilegal na nakaparadang sasakyan at terminal ng jeep, sa mga alternatibong ruta para sa mga maapektuhang motorista.

Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, aaraw-arawin ng ahensya ang operasyon sa mga lansangan papunta sa Batasang Pambansa.

Kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
– Batasan Hills
– Litex Road
– Tandang Sora
– Visayas Avenue
– Congressional Avenue
– C-5 Road
– Magiting
– Maginhawa
– Mayaman
– Kalayaan Street

TAGS: ClearingOps, iMinformed, InquirerNews, mmda, pbbmsona2022, RadyoInquirerNews, SONA2022, ClearingOps, iMinformed, InquirerNews, mmda, pbbmsona2022, RadyoInquirerNews, SONA2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.