Tutulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na uuwi galing sa Sri Lanka.
Nakararanas kasi ng matinding economic crisis sa naturang bansa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni TESDA Deputy Director General Aniceto “John” Bertiz III na bukas ang iba’t ibang programa ng ahensya upang makaagapay sa mga OFW.
Maari aniyang matulungan ang mga kababayan na matuto sa pagnenegosyo.
“Hindi lamang po pagsasanay ang nabibigay ng TESDA pero tuluy-tuloy po ‘yan hanggang sa job opportunities at the same time, ‘yung mga pangkabuhayan,” ani Bertiz.
Nagpapatuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang embahada upang makapagbigay ng trabaho sa ibang bansa.
Dagdag pa nito, “Hindi lang po sa pagbibigay ng kaalaman, we encourage them also to become our trainors especially po ‘yung mga nasa field ng agriculture and construction.”