Insidente ng food poisoning sa Tondo, iniimbestigahan pa

By Angellic Jordan July 21, 2022 - 03:04 PM

Nagkasa na ang Manila Health Department ng imbestigasyon sa insidente ng food poisoning sa Tondo, Maynila.

Base sa kanilang panayam sa mga pasyente, dakong 10:00, Miyerkules ng umaga (Hulyo 20), nang kumain sila ng chicken mami sa isang side walk sa bahagi ng Gapan Street, Earnshaw Gagalangan sa bahagi ng BArangay 172.

Tatlong oras ang nakalipas, nagsimulang makaranas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, cyanosis, at iba pa.

Sinabi ng Manila Health Department na inaalam na ng kanilang grupo kung ano ang sanhi ng pagkalason ng mga pasyente. Kumuha na rin sila ng samples para sa laboratory analysis.

Tiniyak nito ang publiko na patuloy nilang tututukan ang apektadong komunidad at tutulungan sakaling mayroon pang mapaulat na tinamaan ng food poisoning.

TAGS: ChickenMami, FoodPoisoning, InquirerNews, ManilaHealthDepartment, RadyoInquirerNews, ChickenMami, FoodPoisoning, InquirerNews, ManilaHealthDepartment, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.