Ikinukunsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasabuhay ng ‘Masagana 150’ program na unang ikinasa ng administrasyon ng yumaong ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Nakadisenyo ang programa para mapataas ang produksyon ng bigas sa pamamagitan nang pagpapautang sa mga magsasaka ng mga binhi na makakapagbigay ng mas masaganang ani.
Itinigil ang programa dahil nabaon sa utang ang maraming magsasaka.
Sinabi sa panayam ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na gagamit sila ng makabagong teknolohiya sa pagkasa muli ng nabanggit na programa.
Aniya, nakikita nila na sa pamamagitan ng programa ay maibaba ang presyo ng bigas kasabay nang pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa ngayon, pinangangasiwaan ni Pangulong Marcos Jr. ang DA sa layong maresolba ang lahat ng isyu na bumabalot sa kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.