Sen. Angara sa PBBM Jr. SONA: Ano ang plano sa pagbangon ng Pilipinas?

By Jan Escosio July 21, 2022 - 10:10 AM

Isa mga nais marinig ni Senator Sonny Angara sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang plano nito sa pagbangon ng bansa sa epekto ng pandemya.

Sinabi ni Angara na nais din niyang malaman ang detalye ng plano ni Pangulong Marcos Jr. na makipagtulungan sa pribadong sektor.

“Ito po ang unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos at marami ang natuwa sa kanyang inaugural speech nung sinabi niyang gusto niyang makitang maging partner ng pribadong sektor ang gobyerno,” sabi ng senador.

Dagdag pa niya, “Kaya, maraming naghihintay kung paano niyang maisasakatuparan itong tema o pilosopiya niya at mabigyan ng pag-asa ang ating mga kababayan dito sa darating na anim na taon.”

Pagpupunto nito, matapos ang dalawang taon, unti-unti nang nagbubukas muli ang mga negosyo bagamat marami pa rin ang nanatiling sarado dahil sa labis na pagkalugi.

“Kung paano mapapaganda ang serbisyo ng pamahalaan pagdating sa kalusugan, sa edukasyon, paano makalikha ng trabaho — yan ang gustong marinig ng ating mga kababayan sa darating na SONA ni President BBM,” Angara said.

Aniya sa ngayon, maraming sektor pa rin ng lipunan ang nangangailan ng tulong para sa kanilang pagbangon.

TAGS: Angara, economy, pandemic, SONA, Angara, economy, pandemic, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.