Seguridad sa Sulu Sea, palalakasin sa gitna ng mga kaso ng kidnapping
Nagkasundo ang tatlong Defense Ministers ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia na lalo pang paigtingin ang seguridad sa bahagi ng Sulu Sea kung saan tumataas ang kaso ng kriminalidad, piracy, kidnapping at smuggling.
Ginawa nina Defense Secretary Voltaire Gazmin ng Pilipinas, Hishammuddin Hussein ng Malaysia at Indonesian defense chief Ryamizard Ryacudu ang kanilang commitment sa sidelines ng pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mga defense ministers na isinagawa sa Vientiane, Laos.
Nagkasundo ang tatlong bansa na magsagawa ng joint patrol exercises sa nasabing karagatan na common border ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
Una rito nagpahayag ng pagka-alarma ang Malaysia at Indonesia kaugnay sa serye ng kidnapping na nagaganap sa nasabing karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.