Pinay helper makukulong sa Singapore dahil sa blackmail

Inquirer file photo

Makukulong muna sa Singapore ang isang Filipina household helper bago ito makakauwi ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa Filipina na umamin sa pananakot sa kanyang among lalaki.

Diumano nagkaroon ng relasyon si Melissa Barig sa kanyang amo.

Ayon sa mga naglabasang ulat, pinagbantaan ni Barig ang amo na ipapadala sa misis nito ang malalaswang larawan kundi ito magbibigay ng pera.

Noong Hulyo 18, nasentensiyahan si Barig ng walong linggong pagkakakulong matapos magpasaklolo sa awtoridad ang kanyang amo at umamin na rin ito ng kanyang pagkakasala.

Sinabi ng DFA na makukulong ang Filipina sa Changi Airport.

Read more...