Online shopping platform para sa MSMEs binabalak ng DICT
Ikinukunsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbuo ng online shopping platform para sa mga maliliit na negosyo sa bansa.
Paliwanag ni Sec. John Uy, nais nilang matulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na mapalago ang kanilang negosyo hanggang sa ‘digital space.’
Aniya, sa kanilang plano, matutulungan ang MSMEs sa paghahanap ng mga kinakailangan nilang materyales hanggang sa pagkakaroon ng e-payment system.
Dagdag pa ni Uy, makikipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pangangasiwa ng e-commerce platform, na katulad sa Shopee at Alibaba.
Una nang sinabi ni Uy ang pangangailangan na pag-ibayuhin ang e-governance sa Pilipinas upang mas maging mabilis at maayos ang mga pampublikong transaksyon.
“We in the DICT have a very peculiar mandate, and that mandate cuts across all government agencies-to ensure that through ICT, we will be able to deliver to the Filipino people a better government,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.