P69-B telco ng San Miguel Corp., binili ng PDLT at Globe

By Jay Dones May 31, 2016 - 04:16 AM

 

Kinumpirma ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Globe Telecom na aabot sa P69.1 bilyong pisong halaga ng assets ang kapwa nila nabili mula sa San Miguel Corp. o SMC.

Sa isang joint deal, kinumpirma ng dalawang telecommunications companies na natuloy na ang mega deal na magsisibling hudyat na mapanatili ang kanilang paghawak sa telecommunications sector.

Naging target ng P69.1 billion peso joint deal na makuha ng PLDT at Globe ang karagdagang 700-megahertz frequency na hawak ng kumpanyang nasa ilalim ng SMC.

Ayon sa PLDT at Globe, sa pamamagitan nito, magagawa nilang maipagpatuloy ang magandang serbisyo sa publiko partikular sa pagpapabilis ng internet sa bansa.

Matatandaang noong nakalipas na mga buwan, tinangka ng SMC na pumasok sa isang joint venture sa Telstra Corp. Limited ng Australia para sa pagbubukas ng panibagong high-speed internet sa bansa ngunit hindi ito natuloy.

Ayon kay Manny Pangilinan, chairman at CEO ng PLDT, sa pamamagitan ng panibagong kasunduan, makakaasa ang mga Pilipino ng mas mabilis na internet service sa bansa sa loob ng anim na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.