Isang araw matapos ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang COVID 19 vaccination campaign sa ilalim ng ng bagong administrasyon.
Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, layon ng ‘PinasLakas’ campaign na paabutin na sa 90 porsiyento ng senior citizens sa bansa ang nabigyan ng primary doses at 50 porsiyento ng mga maari nang maturukan ng booster shot.
Plano ng kagawaran na maabot ang naturang target sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Marcos Jr.
Aniya ikakasa ang kampaniya sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at padadaliin din ang vaccination rollout sa mga pampubiko at pribadong establismento.
“Sa halip na malawakang bakunahan, mas ilalapit natin ang ating mga bakunahan sa ating komunidad para mas tumaas ang ating antas ng pagbabakuna,” dagdag pa ng opisyal.