8 sa bawat 10 Filipino umaasa na nalagpasan na ang pinakamasama sa pandemya

Umabot sa 83 porsiyento ng mga Filipino ang ang umaasa na nalagpasan na ng bansa ang pinakamasamang bahagi ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ito ay base sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noon pang Abril 19 hanggang 27 na may 1,400 respondents.

Ito ay matapos sumirit nang husto ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa noong Pebrero hanggang Marso bunga ng iba’t ibang variants ng nakakamatay na sakit.

Pinakamarami sa naging positibo ang pananaw ay sa Mindanao (86 porsiyento), kasunod sa Metro Manila (82 porsiyento), Balance Luzon (82 porsiyento at Visayas (81 porsiyento).

Natapysan naman ng tatlong puntos mula sa 19 porsiyento noong Disyembre ay bumaba ito sa 16 noong Abril ang mga nagsabing natatakot sila na hindi pa nararanasan sa bansa ang pinakamasamang dulot ng COVID-19.

Hindi naman nagbago ang bilang ng mga nagsabing nangangamba pa rin sila sa pandemya dahil nanatili ito sa 88 porsiyento noong Abril.

Read more...