Asia’s Sprint Queen Lydia de Vega malubha ang kondisyon dahil sa cancer

By Jan Escosio July 20, 2022 - 05:17 PM

STEPH MERCADO DE KOENIGSWARTER FACEBOOK POST

Lumalala ang kondisyon ni Lydia de Vega kasabay nang patuloy niyang pakikipaglaban sa breast cancer.

Ito ang pagbabahagi ng kanyang anak, ang volleyball player na si Stephanie Marcado.

Bukod sa pag-apila ng dasal para sa kanyang ina, nanawagan din ng tulong pinansiyal ang nakakabatang Mercado para sa pagpapagamot ng kanyang ina.

“I am requesting everyone to please pray for her in this desperate time of need. If anyone would like to assist financially to cover her medical expenses, any donation would be deeply and whole-heartedly appreciated,” ang social post ni Stephanie.

Ibinahagi nito na tahimik na nakikipaglaban ang isa sa pinakamahusay na sprinter ng Asya sa kanyang sakit na nadiskubre noon lamang 2018.

Isa mga huling pagkakataon na nakita ng publiko si dela Vega ay noong 2019 nang maging bahagi siya ng pagbubukas ng SEA Games dito sa bansa.

TAGS: cancer, sea games, cancer, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.