Sa susunod na dalawang linggo, inaasahan na makakabalik na ng Pilipinas ang 115 Filipino mula sa Sri Lanka.
Ito ang ibinahagi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vega at aniya, sa commercial flight ang biyahe ng mga uuwing Filipino dahil mahirap kung sa pamamagitan pa ng ‘sweeper flight’
Ayon pa kay de Vega, pinag-aaralan na rin ang pagpopondo para sa pagbabalik-Pilipinas ng mga nabanggit na Filipino.
Ibinahagi rin nito na tinanggihan ng gobyerno ng Sri Lanka ang ‘landing rights’ sa kanilang bansa sa ngayon.
Dumaranas ng matinding economic crisis sa nabanggit na bansa at itinaas na ng DFA ang Alert Level sa Sri Lanka, nangangahulugan na hindi na muna magpapadala ng Filipino workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.