P8.44-B inilaan sa Barangay, SK elections

By Chona Yu July 20, 2022 - 01:28 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Pinondohan ng Commission on Elections (COMELEC) ng higit P8.441 bilyon ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Ayon kay Comelec spokesman, Atty. John Rex Laudiangco, base ito sa updated statement of allotment obligations and balances na isinumite ni Atty. Martin Niedo, director ng Comelec-Finance Services Department.

Sa pinakahuling talaan ng Comelec, nasa 1,712,315 ang mga bagong botante na nagparehistro.

Dagdag pa nito, posibleng pumalo pa sa mahigit dalawang milyon ang mga magpaparehistro pagsapit ng deadline sa Sabado, Hulyo 23.

Base sa estimate ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 73 milyon ang magiging botante sa 2023.

TAGS: barangay, comelec, sk elections, barangay, comelec, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.