Facebook groups na bumibiktima ng mga bata ikinabahala ni Sen. Hontiveros
Lubhang nabahala si Senator Risa Hontiveros sa pagbuo ng Facebook groups na bumibiktima ng mga bata.
Sinabi nito na ang public groups sa Facebook na ‘Atabs’ at ‘LF Kuya and Bunso’ ay nagpo-post ng mga retrato ng mga bata.
May ilan din aniyang nagsasabi na nagbebenta sila ng mga video at picture ng mga bata sa ibang messaging apps, tulad ng Telegram.
“Nakakasuklam at nakakagalit na may mga taong tahasang nang-aabuso sa ating kabataan. Gamit narin nila ang Facebook messenger or Telegram para mag-usap at magbenta ng libo-libong mga pictures at videos. Ang iba, gumagamit pa ng cloud storage tulad ng Mega dahil napakalaki ng volume,” paliwanag nito.
Kayat diin ni Hontiveros, panahon na upang ipasa ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law para mapanagot ang mga responsible, maging ang social media platforms at internet intermediaries.
Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Hontiveros ang Usapang Diskarte Facebook page at YouTube channel na nagtuturo paano makakadiskarte sa mga bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.