PBBM Jr., anak na si Sandro bumisita sa INC Central Office

BONGBONG MARCOS FB PHOTO

Personal na binisita ni Pangulong Marcos Jr. si Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo sa Central Office sa Quezon City.

 

Ito ay para pasalamatan ng Pangulo si Manalo at ang buong INC sa suporta na ibinigay sa kanya sa nakaraang eleksyon.

 

Base sa video na inilabas ng INC, makikitang kasama ng Pangulo ang anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

 

Wala pa namang opisyal na pahayag ang Palasyo kaugnay sa pagbisita ni Marcos sa INC.

 

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng INC ang mga programa ng pamahalaan tulad ng patuloy na pagtugon sa COVID-19 pandemic, naka-ambang krisis sa pagkain at iba pa.

 

Bukod sa pagpapasalamat, nagpaabot din ng pagbati ang Pangulo sa ika-108 anibersaryo ng kongregasyon  sa darating na Hulyo 27.

 

Halos isang oras na nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Manalo.

 

Read more...