P100,000 ibinigay ni Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa isang 100-anyos na lola

By Chona Yu July 20, 2022 - 10:53 AM

Binigyan ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ng P100,000 ang isang 100-anyos na babae sa Quezon City.

Ang handog kay Estelita Tagabi Alliones ay alinsunod sa RA NO 10868 o ang Centenarians Act of 2016, na nag-aatas na bigyan ng P100,000 ang Filipino na aabot sa edad 100.

Unang lumapit kay Tulfo si Lola Estelita kasama ang anak na taga-Antipolo City noong Hulyo 13 at sinabi na hindi pa niya natanggap ang kanyang mga insentibo.

Noon pang 2020 nang magsumite ng mga dokumento si Lola Estelita at nakumpleto niya ang lahat ng hinihingi noong nakaraang Marso.

Bukod sa naturang halaga, tumanggap din ng wheelchair si Lola Estelita mula sa kalihim kayat lubos-lubos ang pasasalamat nito.

Hanggang noong nakalipas na buwan, 1.111 centenarians na sa target na 1,704 ang nabigyan ng insentibo.

TAGS: centenarian, tulfo, centenarian, tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.