Alert Level 1 sa Metro Manila hanggang Hulyo 31

PDI PHOTO

Mananatili ang Metro Manila sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwan, ayon sa Department of Health (DOH).

May 19 pang lokal na pamahalaan sa bansa ang ibinaba na rin sa Alert Level 1 base sa pinagbabasehang metrics ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ito ay sa kabila nang pagtaas ng 44 porsiyento ng COVID 19 cases sa bansa sa nakalipas na linggo.

Kasabay nito, nirerebisa na ng kagawaran ang COVID 19 alert levels base sa nais ni Pangulong Marcos Jr., at health experts.

Una nang inanunsiyo ng Malakanyang na ikinukunsidera ni Pangulong Marcos Jr., na magkaroon ng pagbabago sa sistema sa susunod na buwan.

Read more...