Robredo maghahanap na ng murang opisina

By Den Macaranas May 30, 2016 - 08:14 PM

Leni-Proclamation-e1464601047173
Inquirer file photo

Magsisimulang nang maghanap ng kanyang magiging opisina si Vice President-elect Leni Robredo.

Sinabi ni Robredo na masyadong mahal ang P500,000 kada buwan na bayad ng pamahalaan sa Coconut Palace na siyang kasalukuyang tanggapan ng Office of the Vice President.

“Actively maghahanap ako ng ibang options dahil nakita ko masyadong mataas ang arkila. Almost half a million ang arkila sa Coconut Palace. Naisip ko, bakit gagastos ng ganoon? Kung ganoon kalaki ang gastos, igagastos ko nalang iyon sa satellite offices, sa mga probinsya,” ayon sa opisyal.

Sinabi rin ni Robredo na sasakay pa rin siya sa Bus sa kanyang pag-uwi sa kanilang bahay sa Naga City pero aminado siyang maiiba ang kanyang ordinaryong biyahe dahil sa security requirements sa kanyang bagong posisyon sa pamahaan.

Dahil kasama niya ang kanyang tatlong anak sa pag-uwi sa lalawigan, sinabi ng bagong proklamang vice president na mas malaki ang kanilang matitipid sa pagsakay sa Bus kumpara sa eroplano.

TAGS: bus, coconut palace, Robredo, vice president, bus, coconut palace, Robredo, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.