Patuloy na tumataas ang bilang ng mga non-COVID patients sa ibat ibang ospital.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose de Grano, partikular na ang pagdami ng mga pasyente na tinamaan ng sakit na dengue.
Ayon kay de Grano, ang mga ospital sa Central Luzon, Calabarzon, at Zamboanga, pati na sa Visayas ang may mataas na kaso ng dengue.
Sa ngayon, manageable pa naman ang mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.