Aabot sa 16,324 dengue ang naitala sa bansa mula sa June 5 hanggang July 2, 2022.
Ayon sa talaan ng Department of Health National Dengue Data, sa naturang bilang, 20 percent o 3,196 na kaso ng dengue ang naitala sa Central Luzon.
Nasa 11 percent o 1,729 naman ang naitala sa National Capital Region.
Sumunod naman ang Central Visayas na may 10 percent o 1,703 na kaso.
Nasa 274 naman ang bilang ng mga nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES