Sen. Lito Lapid nais magkaroon ng tertiary care hospitals sa bawat rehiyon
Naghain ng panukala si Senato Manuel Lapid na layon magkaroon ng tertiary care hospitals sa bawat rehiyon sa bansa.
Paliwanag ni Lapid matindi ang pangangailangan sa pagkakaroon ng quality healthcare sa bansa dahil sa pandemya at iba pang mga sakit na dinadanas ng mga Filipino.
Aniya dumating na sa punto na dahil sa dami ng mga nagkakasakit maging ang mga pasilidad sa Metro Manila ay nag-uumapaw sa mga pasyente.
Isang paraan, ayon sa senador, para mapagbuti ang sistemang pangkalusugan sa bansa ay makapagpatayo ng mga karagdagang ospital, partikular na ang mga tinatawag na tertiary care facilities.
Kapag nagkaroon ng mga tertiary hospital, malaking katipiran sa mga Filipino dahil hindi na nila kailangan pang lumayo o lumuwas sa Metro Manila, bukod pa sa agad silang mabibigyan ng kinakailangan nilang serbisyong-medikal.
Prayoridad aniya sa loob ng limang taon kapag naging ganap na batas ang kanyang panukala na magkaroon ng tertiary hospital sa mga rehiyon na wala pang ganitong uri ng ospital, gayundin sa mga island-provinces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.