‘Vape Bill’ sinuportahan ng mga kilalang doktor

Maging ang ilang prominenteng doktor sa bansa ay naniniwala na malaking tulong ang magagawa ng ‘Vape Bill’ sa 16 milyong Filipino na naninigarilyo.

Sinabi ni San Juan Medical Center Staff Association president Dr. Romeo Luna Jr., tiwala siya maging ang ibang kapwa doktor magandang alternatibo ang paggamit ng vape at heated tobacco products (HTPs).

“I think this is also what the public wants especially those members of family households that are sick and tired of smelling cigarette smoke. Indeed, a very comprehensive regulatory law such as the Vape Bill is what we need to cut down smoking rates,” sabi pa ni de Luna at dagdag pa niya magiging makasaysayan kung aaprubahan ang panukala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon naman kay Dr. Dante Dator, dating executive director ng National Kidney and Transplant Institute, kung wala ang panukala, madadagdagan pa ang 16 milyong naninigarilyong Filipino.

“This is unacceptable from a public health standpoint. We must do everything we can to end the smoking epidemic once and for all and the Vape Bill is our greatest chance to do that,” aniya.

Ibinahagi naman Dr. Telesforo Gana, dating pangulo ng Philippine Urological Association, malaking tulong sa kanya para huminto sa paninigarilyo ang smoke-free alternatives.

“If these products are properly regulated, like what the Vape Bill seeks to do, there is a big chance that millions of Filipino smokers will also stop smoking and shift to these less harmful nicotine alternatives,” paniwala ni Gana.

Sinabi naman ni Dr. Fernando Fernandez, dating pangulo ng Philippine Dental Association at ngayon ay secretary-general  ng Asia Pacific Dental Federation, sa tamang regulasyon ng vape at HTPs sa ilalim ng Vape Bill marami ang tatalikod sa bisyo ng paninigarilyo.

Sa survey na isinagawa kamakailan ng ACORN Marketing and Research Consultants, 94% ng mga Filipino ang nagsabi na dapat ay magkaroon ng mga polisiya na hihikayat sa mga naninigarilyo na gumamit na lamang ng mga alternatibo.

Read more...