P1-M inalok ni Sen. Raffy Tulfo para sa paghuli sa Boac camping murder-rape case

By Jan Escosio July 19, 2022 - 08:40 AM

Inanunsiyo ni Senator Raffy Tulfo ang pag-aalok ng P1 milyong pabuya para sa ikakaaresto ng suspek sa pag-atake sa magkasintahan sa Boac, Marinduque noong nakaraang Biyernes.

Kasabay ito nang pagkondena ng senador sa insidente, kung saan namatay ang isang 21-anyos na lalaki, samantalang ginahasa at sinaksak ang kanyang kasintahan.

Nangyari ang krimen habang nagka-camping ang magkasintahan sa Barangay Ihatub.

Pumasok ang salarin sa tent ng dalawa at agad niyang sinaksak ang lalaki, kasunod nito ang panghahalay at pananaksak sa babaeng biktima.

“Walang konsensiya ang gumawa ng ganitong karumaldumal at kalunos-lunos na krimen,” diin ni Tulfo.

Diin lang niya, ibibigay niya ang pabuya matapos na matiyak na ang totoong suspek ang maaaresto at mapapanagot sa batas.

TAGS: boac, Marinduque, Murder, news, pabuya, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, rape case, boac, Marinduque, Murder, news, pabuya, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, rape case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.