DOLE sa gov’t employees: Kalma lang sa rightsizing plan!
Pinayuhan ng Department of Employment (DOLE) ang mga kawani ng pamahalaan na huwag mabahala sa binabalak na ‘rightsizing plan’ sa burukrasya.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi naman ito nangangahulugan ng magbabawas ng mga tao sa mga ahensiya ng gobyerno.
Paliwanag niya ang balak ng Department of Budget and Management (DBM) ay nangangahulugan na gagawing simple lamang ang gawain sa mga tanggapan.
Isa sa maaring gawin ay ang paglipat ng tao sa ibang opisina upang mas maging epektibo ang sistema.
Dagdag pa ng kalihim sa pinanggalingan niyang pribadong sektor, ang kahulugan ng ‘rightsizing’ ay pagsasa-ayos ng mga proseso at reporma sa istraktura o organisasyon.
Diin niya walang balak ang gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa kayat dapat ay kumalma lamang ang mga kawani ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.