Nabatid na kasama sa kanila ang mga nahuli sa pagnanakaw maging ng manhole covers at may 35 iba pa na inasunto naman dahil sa pagnanakaw ng mga gamit sa mga cellsites.
Ayon kay sa Globe Bantay Kable at Quick Response Team kasama din sa mga kinasuhan ang ilang tauhan ng kanilang third-party contractors.
Nabatid na mabilis na naipagbibili ng hanggang P470 ang copper cable.
Sa Tanza, Cavite kamailan ay tatlong lalaki ang naaresto sa pamamagitan ng entrapment operation dahil sa pagbebenta ng 50 kahon ng Globe cable na nagkakahalaga ng P129,000.
Patuloy na pinaiigting ng telco ang kanilang Bantay Kable campaign katuwang ang pulisya at lokal na pamahalaan dahil matinding perwisyo ang idinudulot sa subscribers ang pagnanakaw ng mga kable.
Nanawagan ang Globe sa mga may-ari ng junkshops na huwag bumili ng mga nakaw na kable para hindi sila sumabit sa mga asunto.