267 inasunto sa pagnanakaw ng mga kable ng Globe

By Jan Escosio July 19, 2022 - 06:15 AM

Umabot na sa 267 ang kinasuhan ng Globe Telecoms dahil sa pagnanakaw ng kanilang mga kable mula noong Enero ngayon taon.

Nabatid na kasama sa kanila ang mga nahuli sa pagnanakaw maging ng manhole covers at may 35 iba pa na inasunto naman dahil sa pagnanakaw ng mga gamit sa mga cellsites.

Ayon kay sa Globe Bantay Kable at Quick Response Team kasama din sa mga kinasuhan ang ilang tauhan ng kanilang third-party contractors.

Nabatid na mabilis na naipagbibili ng hanggang P470 ang copper cable.

Sa Tanza, Cavite kamailan ay tatlong lalaki ang naaresto sa pamamagitan ng entrapment operation dahil sa pagbebenta ng 50 kahon ng Globe cable na nagkakahalaga ng P129,000.

Patuloy na pinaiigting ng telco ang kanilang Bantay Kable campaign katuwang ang pulisya at lokal na pamahalaan dahil matinding perwisyo ang idinudulot sa subscribers ang pagnanakaw ng mga kable.

Nanawagan ang Globe sa mga may-ari ng junkshops na huwag bumili ng mga nakaw na kable para hindi sila sumabit sa mga asunto.

TAGS: cable, Globe, cable, Globe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.