Aabot sa 14 milyon ng national ID card ang naipamahagi na ng Philippine Postal Corporation.
Pahayag ito ng PHLPost matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na bilisan ang pamahagi ng National ID card.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PHLPost Master General at CEO Norman Fulgencio na hindi dapat ang kanilang hanay ang pinag-iinitan at pinagbubuntunan ng galit kung naantala ang pagde-deliver sa mga National ID card.
Katwiran ni Fulgencio, base sa kanilang talaan, sa 14,800,000 na National ID card na kanilang natanggap, nasa 14,033,000 ang na-distribute o naipamahagi na.
Base hanggang Hulyo 16, nasa 700,000 na lamang aniya ang natitirang National ID card na kailangang maipamahagi ng PHLPost.
Pero sa ngayon, maaring nabawasan na ito at nasa 50 porsyento na lamang o 35,000 na lamang ang natitira sa kanila.
Dapat aniya ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang dapat na busisiin kung bakit may delay sa National ID card.
“I don’t think, I’m the right person to answer your question. Dahil ang trabaho po natin ay i-deliver iyan. Once na matanggap namin, kailangan naming i-deliver. Ngayon, kung ano iyong reason kung bakit nade-delay. I think, dapat siguro—we are not technical about it. Baka mas maganda si PSA ang sumagot noon,” pahayag ni Fulgencio.
Paliwanag pa ni Fulgencio, masyadong matagal na ang anim na buwan para hindi ma-deliver ang mga National ID card.
Oras kasi aniya na dumating ang mga National ID card mula sa PSA, agad na itong ipinamamahagi sa loob ng isang buwan.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.