WATCH: Hindi pagkilala ng China sa arbitral ruling, hindi na bago – NSA Clarita Carlos
Hindi nagpapatinag ang Pilipinas sa pahayag ng China na hindi kikilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na kumakatig sa bansa sa agawa ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay National Security Adviser Clarita Carlos, hindi na bago ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na hindi nila tatanggapin at kikilalanin ang pasya ng PCA.
Malinaw aniya ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isusulong ang bilateral deal.
Personal na nagtungo si Carlos sa headquarters ng Philippine Coats Guard (PCG) para alamin ang kalagayan nito.
Isa ang Coast Guard sa mga nagbabantay at nagpapatrolya sa mga bisinidad na sakop ng Pilipinas sa West Philippines sea.
Sa panig ni PCG spokesman Commodore Armand Balilo, sinabi nito na binigyan nila ng update si Carlos sa sitwasyon ng Coast Guard.
Tiniyak pa ni Balilo na ano ang utos ni Pangulong Marcos at Secretary Carlos, tatalima ang PCG.
Una rito, sinabi ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na hindi na kailangang hintayin pang kilalanin ng China ang desisyon ng perment Court of Arbitration para lamang ipatupad ito.
Taong 2016 pa ng katigan ng PCA ang hirit ng Pilipinas na pag aari nito ang ilang teritoryo sa West Philippine Sea na pilit na kinakamkam ng China.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Secretary Manalo na pinal na ang desisyon ng PCA.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.