P5 rollback sa gasolina, ipatutupad bukas

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime price rollback sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, PetroGazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may kaltas na P2.00 sa kada litro ng diesel habang P5.00 naman ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng rollback na P0.70 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hulyo 19).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Seaoil, Shell, at Unioil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...