Pangulong Marcos, nagtungo sa DA office para matalakay ang food security

Screengrab from PCOO’s FB video

Personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.

Ito ay para makipagpulong sa mga opisyal ng DA kaugnay sa plano ng food security ng administrasyon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagtungo ang Pangulo sa DA.

Hulyo 4 unang nagtungo sa DA ang Pangulo para talakayon ang food supply ng bansa.

Nais kasi ng Pangulo na bigyang halaga na may sapat na pagkain sa bawat hapag ang mga Filipino.

Natalakay din ng Pangulo ang pagsusulong sa Masagana 150 at Masagana 200.

Agad din namang babalik ang Pangulo sa Malakanyang para naman makipagpulong sa mga opisyal ng Department of Health (DOH).

Read more...