24 na trafficking in person (TIP), nasagip sa Basilan

By Chona Yu July 18, 2022 - 10:39 AM

PCG photo

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 24 na trafficking in person (TIP) sa Isabela City Port sa Basilan.

Ayon sa PCG, patawid sana Malaysia ang mga TIP.

Sakay ang mga TIP ng MV Ciara Joie 8 at dumating sa Zamboanga City ng 11:30, Linggo ng umaga, July 17.

Nasa edad 11 hanggang 60-anyos ang mga TIP at mga residente ng Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Misamis Occidental, at Basilan.

Nasa kustodiya na ng DSWD ang mga TIP.

Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa mga pamilya ng mga TIP para sa kanilang pag-uwi.

TAGS: dswd, InquirerNews, PCG, PNP, RadyoInquirerNews, tip, trafficking in person, dswd, InquirerNews, PCG, PNP, RadyoInquirerNews, tip, trafficking in person

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.